April 22, 2025 9:23 AM    Fernando B. Enriquez
TINGNAN | Isa na namang makasaysayang araw ang isinulat para sa Lungsod ng Lipa ngayong Abril 22, 2025, sa isinagawang groundbreaking ceremony ng dalawang mahahalagang proyekto: ang Lipa City Indoor Sports Facility at ang Lipa City Sports Stadium, na itatayo sa Barangay Talisay, Lipa City, Batangas.
Pinangunahan ang seremonya ni Mayor Eric B. Africa, Myembro ng Sangguniang Panglunsod at mga kawani ng lokal na pamahalaan, kasama ang mga opisyal ng DepEd Lipa sa pangunguna nina Schools Division Superintendent Dr. Felizardo O. Bolaños, ASDS Dr. Ronald Ramilo, SGOD Chief Dr. Minerva C. Caraos, CID Chief Dr. Lorna R. Medrano, at
AO V Mrs. Leah Marie Monica K. Lumbres at iba pang mga kawani mula sa OSDS, SGOD at CID.