October 27, 2025 3:00 PM    Fernando B. Enriquez
Dinaluhan ang seremonya ng mga opisyal at kawani ng Sangay ng Lungsod ng Lipa sa pangunguna nina Schools Division Superintendent Dr. Zaldy Bolaños, Assistant Schools Division Superintendent Dr. Ronald Ramilo, Curriculum Implementation Division Chief Dr. Lorna R. Medrano, Schools Governance and Operations Division Chief Dr. Minerva Caraos, at Administrative Officer V Ms. Leah Marie Monica K. Lumbres.
Bagama’t nakatakda ang wellness break para sa mga Non-Teaching Personnel, kapansin-pansin ang dedikasyon ng karamihan sa mga kawaning piniling pumasok at aktibong lumahok sa nasabing aktibidad.
Patunay itong patuloy ang pagmamalasakit, disiplina, at dedikasyon ng mga kawani ng SDO Lipa sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang lingkod-bayan.
ctto